Monday, October 15, 2007

anu nga bang title?!

sa totoo lang di ko talaga alam ang isusulat ko dito.. hehe nabobore na ko sa bahay! kasi naman nasira pa ang pc namin kaya ayan superr bored na ko.

hay, may nabasa akong blog entry ng friend ko kanina. Slightly, natouched ako dun. alam kong ako yung tinutukoy nya sa entry pero implied ang pagkakasulat. Di ko maintindihan bakit sya ganun, kasi never syang nagexpress ng greatfulness nya dahil friendships kami. I mean, ganito kasi yon. Since grade 6 tropa ko na sya at bestfriend talaga ang turing ko sa kanya. Alam kong alam naman nya yun pero noon hindi ko nafi-feel na bestfriend din ang turing nya sa akin. Ngayon ko lang nalaman na bestfriend din pala ako sa kanya.

Marami kasing pangyayari, hehe, umabot sa point na marami ang nadamay, naks! hihi, pero ok na ko dun. Ika nga ng mga sawi sa pag-ibig, past is past, pero hindi ako sawi ha. hahahaha

Nung fresh pa ang mga pangyayari, lam mo blogger, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya pag kausap ko sya kahit dito sa net, kaya ayun, di ko nalang sya kinakausap. Deadma lang. Kasi Galit ako eh. Galit ako kasi ewan ko. Ang gulo ko no?! Pero mga ilang months din bago ko nakipag ayos ulit. At last thursday, nagpalibre ako sa kanya. O diba, pagkatapos kong magalit, nagpalibre ako. Aba eh makapal lang talaga ako.. hehehehe, nope! sya naman ang nag offer, sabi nya treat nya ko movie, sabi ko wag na, wendy's nalang.. naks! hahaha

Nung thursday, ok naman, muntik na ko mahuli ni mader. sabi ko kasi makikipag bonding ako sa aking bes na si kwek. sabi ko kakain kami at magchichikahan lang, pero the truth is, magkikita kami ni bestfriend ko sa wendy's Buendia. Wahhhh si mader nasa Pasay lang, kina lola ko, at 2:30 umalis na sya dun, at 2:30 din ako bumaba ng LRT... buti nalang mabilis ang mga galamay ko sa paa at humaripas na ako ng takbo. Ayun, nagkita na kami ni bestfriend.

Nakita ko sa kanyang mga mata na masaya naman sya kahit nauto ko sya. Hay, anu ba yun, kumain at nagkwentuhan kami until 5pm. Medyo naiilang lang ako kasi parang iba na ang lahat, nahhh! oo na madrama na, kaso eh yun kasi yung nafeel ko. Hay ewan ko ba...

Anu bang sagot dito?! bakit ganun?! In a way namimiss ko naman si bestfriend ko, kaso lang medyo alanganin na ako sa kanya... wahhhhh :p

ayeeeee! tama na nga! saka ko na lang ito iisipin, magpapakaadik muna ako ulet...

ge bye!

2 comments:

PRINSIPE DILAN said...

ako din me (ex)-bestfriend. ex na siya kasi feeling ko hindi na namin pwede bang maibalik ang pagiging mag-bestfriend namin. kasi maraming nangyari at hindi ko na o niya pa maibabalik ang dati.,

nie said...

hehe, hello dee! nga pala, napuntahan ko na yung site mo, kaso hindi ako makapag leave ng comment, dont know why. salamat sa pagdaan mo sa blog ko..hehe

anyway, ok na kami ngayon, kaso lang magulo kasi yong babaeng yon! masyadong malihim, yon tuloy di ko alam na kung paano ko sya vina-value, ganun din pla sya. ewan ko lang kung tanga lang talaga ako at di ko nakikita na ganun nya ako vina-value. hahaha

thanks again!