Wednesday, October 24, 2007

mahirap madalaw ng yumao na, promise!

eto na naman ako, di ko na naman alam kung pano ko sisimulan ang mga pangyayari nung isang araw.

ahhh ok lam ko na. magsimula ako sa Glorietta bombing! o pagsabog lang..hahaha. Nung friday may sumabog sa Glorietta 2, Makati, na kumitil sa buhay ng ilan at nakasugat sa karamihan. Nakakalungkot kasi diba mga inosenteng tao yung mga yun tapos biglang namatay. Anyway, the next day kasi GEB namin sa Trinoma. So magmi-meet kami ng mga kaboks, subalit dahil sa pagsabog sa G2, ayun banned pumunta ng mall! hala! pano yan! all set na sa GEB the next day? Pero dahil adik nga ang tawag sa mga kaboks, tuloy pa rin ang ligaya! Natulog ako nung friday mga 12mn na, ewan ko ba, usually naman mga 10pm nakakatulog na ko, bat nung friday 12 na ako nakatulog... excited?????!!! o kinakabahan sa CHARLA???!!!! hahaha. Sa kakatwang pangyayari, ewan ko ba naman bakit ako pa ang naisipang dalawin sa panaginip ng aking lola na sumakay na kay kokey papuntang langit noon pa. Pambihirang buhay to oh! eto ang pangyayari!...

Madaling araw na non, nagising ako dahil sa panaginip ko. nasa libing daw ako ng lolo at lola ko. Nandun ako sa side ng coffin ng lolo ko. Habang binababa na sa lupa yung coffin ni lola, ayaw daw talagang bumaba. Ang weird pa nga kasi bukas pa yung coffin habang binababa. Nung last na baba, biglang umuga yung coffin tapos nagising yung lola ko at may nagpikit na lang nung mata nya. Eto pa ang isang weirdong pangyayari. May kumiliti sa batok ng lola ko at yung lola ko, tumawa pa! Habang tumatawa sya tinawag ba naman yung pangalan ko.. sabi ba naman eh

"ihiiihi, laniieeee!"

wahhhhhhhhhhhhh grabe nagising talaga ko nung madaling araw na yon. Tiningnan ko baka nandyan lang yung lola ko. Sa kabutihang palad, PANAGINIP lang ang lahat. PUSA! natakot talaga ako. Kaya naman yumakap ako kaagad sa ate ko. wahhhhhh. Mga 10 minutes siguro bago ulit ako nakatulog. Nagdasal na ko pare! grabe talaga, sabi ko, mahirap pala talaga yung ikaw ang dinadalaw ng patay kesa ikaw ang dumalaw.

huh... kaya naman kina-lunes-an, nagpunta na ko sa puntod ng aking lolo at lola. Saktong death anniv. ni lolo. Tawa ng tawa yung nanay ko sa akin. Sabi nya, "ayan kasi di mo dinadalaw lola mo". Aba! dumadalaw naman ako kaso, pag Nov.1 lang. hayyy

Naalala ko tuloy yung palagi kong sinasabi noon sa lola ko na, "la, intayin mo ha, pag laki ko ibibili kita ng tungkod". Kahit 6 years old palang ako non, di ko yun nakaklimutan. Labs ko tong lola ko na ito. Kaso lang maaga syang hinatid ni kokey ke Papa Jesus, kaya ayun, nakakalungkot na hindi na nya naantay yung tungkod na bibilihin ko para sa kanya. :'(

5 comments:

Anonymous said...

hayz..... nmiss ko tuloy ang lola ko.

ang sweet naman ni kwekypie!!
ako dati takot ako sa lola ko eh.
hahaha, para kasing mangangain ng bata!




----------kipot!

mousmous said...

at kaya pala kay init init yakap ka ng yakap! :P

nie said...

nyahahah! oo ate ko! nyahahah

yipeee! kwekypie, ganun kasi close ako ke lola ko, di ko naman akalain na hanggang sa panaginip di ako iiwan..wahhhhhh

:P

nie said...

yihaaaaa

Anonymous said...

pawis na pawis siguro kaw pagkagising mu noh??!!!hahahaha

ang hinit!!!

---kipot---