wahhhhhhhhhhhhhhhhhh
eto ang araw na itinakda para ma-kiss ko si shabs. pero akalain mong makakaya ko ang dalawang kiss plus apir pa! hahahaha. Ang kapal ko sobra! Bago kami umalis ni ate sa bahay, nagpaplano na ko kung ano ang gagawin ko pag nasa signing part na. Naisip ko habang nakasakay kami sa tricycle, una kong gagawin aapir ako ke shabs, tapos kukurot sa pisngi, tapos kiss then hug. Ang nangyari, Kiss, picture, kiss ulet tapos apir! Bale twice ako naka-kiss sa kanya! waaaaaahhhh... ok ba ha?! di ko alam pano ko yun nagawa, naku. Sabi ko sa sarili ko, nakakahiya ka lanie! anu ka ba! pero on the other side, sabi ko naman, ok yon lanie ah! galing mo! yihaaaa
medyo muntik na kong mapahiya don eh. ganito kasi yon. Diba nakapila kami, (in fairness, di na ako masyadong kinabahan nung nakapila kami, unlike nung unang meet ko sa kanya, talagang pati yung pisngi ko nanginginig habang nagpapa picture...hahahah) sabi ko, pano ko kaya gagawin yung plano ko..hmmm ayun na nga, habang nagpapasign si "stalker ni sarah" sabi ko "s. pakiss naman oh" sabi nya "uu sige" hmm e di kiss na ako. pagkatapos nun, nagpapicture na ko, at pagkatapos naman nun sabi ko "s. pakiss ulet, hinintay ko sya matapos mag sign dun sa isa tapos kiss na ko ulet sa kabilang cheek..hehe tapos sabi ko "sarah, apir tayo" sabi nya, "huhhh hihi hihi" sabi ko, "sige na apir tayo" tas tawa na naman sya, buti nalang umapir sya sa akin kahi dampi ng apat na daliri naramdaman ko.. hahahaha ang babaw ko na naman!
ayun, mejo mejo muntik na kong mapahiya kasi ayaw nya ko apiran, buti nalang mabait si shabs at umapir din. hayyyyzzz
after namin magpasign, lumabas na kami ng event area. nag-tom's world kami, nagbasketball at videoke. saya naman in fairness, mejo sumakit ang aking braso sa 95points kong iskor, na sa buong buhay ko ngayon lang ako naka-score ng ganun. hahaha at si ate marie, aba sharp shooter pala, 97 points naman sya. Nakanaks pa kasi nameet ko ang JEWEL SIBLINGS. Pambihira talaga oh, papangalanan ko ng sarili ko ha, sina ESMERALDA, RUBENG, at SAFIR... lol
naku parang extension ng GEB nga ito tlaga naman oh...
pagkatapos non, hinatid kami nina ate marie sa aming mga bahay. Nauna si ate july maihatid at sumunod kami ni ate ko. Nakakatuwa kasi malayong kamag-anak pala namin itong sina ate marie. mantakin mo nga naman, sinong magaakala na sa kaadikan level na ito ay may mami-meet kang kamag anak. sabi ko nga, it runs in the blood. hahaha
pagkatapos ng paghahatid sa amin ay ayun, kumain na kami at natulog na. balak ko sana di na ko maghihilamos dahil feeling ko eh nakadampi pa rin yung pisngi ko ke shabs, pero di ko kinaya, makati eh, saka titigyawatin na naman ako. lol
hayyy, masarap talaga ma-meet si shabs, aku'y naadik, at parang nami-miss ko sya. pero may pampalubag loob naman ako syempre, anu pa eh di ang kilig moments ng emmerence! lol
Wednesday, October 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





9 comments:
dabest. xempre kung idol mo xa babaw talaga.
at pinangalanan na pala ang jewel siblings! :lol: :D
haha! dee! eto ka ulit.. di talaga ako makapag leave ng comment sa blog mo, sensya na ha..hehehe.
hindi ko sya IDOL! wala akong idol. gusto ko lang talaga sya as a singer, at quite sa pagiging actress. hehehe
----
ok ba name ng jewels?! hahaha ano mousmous! hahaha
la pa ba si ihahaha!!!go jewel siblings!!!
ang danda ng nems...super nipagisipan!..
---kipot!
hala!!anu ung nitype ko??di ko maintindihan!!
ahahah! kipot! dumaan ka na! yey! ok ba?! jewel siblings daw sila...nyahahah
hang lufet mo naman naka-kiss ka twice may apir pa!!!! awoo awoo!!! hahahaha...at may hirit pang jewel siblings......wahahaha "why do you build me up?!" :lol:
ahahah! ate tin! salamat sa pagdaan!
"buttercup baby just to let me down.." haha
Keep up the good work.
Post a Comment