masaya naman ang nagdaang pasko ko kahit papaano. dahil nakita ko ang dear loley ko at ang mga palayan sa probinsya. nakita ko rin ang aking mga tiya,tiyo, pinsan at pamangkin sa pinsan. aba at nadagdagan na pala ang aking inaanak..mantakin mong inaanak ko pala si clave..aysus.. so pano ba itei, ibig sabihin ako'y tumatanda na...pero ako ay bata pa...nyahahaha...
paano ko nalaman na ako'y matanda na? aba simple lang naman, dahil hindi na ako pinapamaskuhan ng mga tiya at tiyo ko. ahuhuhu, sa kabuuan eh isang daang piso lamang ang aking natanggap, at partida, tig singkwenta pa ang natanggap ko sa dalawang magkaibang tao...nyahahaha ito lamang ay nagpapatunay na una, matanda na ako at dapat ako na ang nagpapamasko, at ikalawa, mahirap ang buhay ngayon...
hayyyy, napakasarap magpasko sa Pinas. pero bet ko rin sana na magpasko sa dagat... nyahahah
Friday, December 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





0 comments:
Post a Comment