Tuesday, January 1, 2008

taon ng daga, sana wag akong dagain..

Happee New Year!!! wow, 2-0-0-8 na! yehey! maraming salamat sa nagdaang taon, sa lahat ng tawanan, iyakan, asaran, kainan, at sa lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ko na nagpasaya sa akin. gayundin naman sa mga di masyadong maganda na nagturo naman sa akin ng leksyon sa buhay. sana ngayong bagong taon maging masaya ulit ang lahat at sana matanggap ko na yung pinaka magandang regalo ni lord sa akin..ahahah..

year of the rat pala ngayon, annu naman kaya ang hatid neto sa ating lahat? sana hindi peste na parang papasok sa bahay at maninira. o baka naman magdala to ng magandang bagay..hmmmm o e basta, wala naman sa year of the ek ek yan, nasa gulong ni PJ yan..diba PJ?! kaw lang naman nakakaalam ng lahat eh, kaya bahala ka na po.. hmmm


hay, ang new year's eve ko, ok naman, masaya kahit tatlo lang kami sa bahay. as usual, nagihaw na naman kami ng bar-be-que..at naglusis. aba walang masyadong paputok ngayon..sa wakas wala nang labintador na muntik ng basagin ang mga eardrum ng mga tao sa lugar... hayyy, ang ganda talaga ng fireworks, walang katulad...naalala ko tuloy ang magandang gabi namin ng ate ko sa moa, nung nanood kami ng pyro olympics, sobwang saya ko nun.. haha ang babaw parang sabaw...:))

okies, basta sana ngayong taon na to maging maayos ang lahat, at sana matapos ko na yung ginagawa ko sa community, ayoko na!