Thursday, January 8, 2009

...klase...

eeeeehhhhh kasi naman marami ng pagbabago sa klase ko..

una sa lahat ung room na dating puno ng students na halos 20+ ata kami, ngayon eh sa-sampu nalang yata.. lagi pang mga late at medyo tinatamad na... hahaha syempre isa na ako sa mga tinatamad. nung monday wala pang 9 am nasa room na ko. tuesday saktong mga 9 am nasa room na. wednesday, past 9 na ako dumating, at ngayong thursday just in time lang ang lola mo.. isang minuto nalang late na ako. hahahahhaah pero keme lang dahil wala pa naman si teacher. hmmmmm

natutuwa naman ako sa classmate kong intsik. dati kasi wala sya palaging say, di nagsasalita o nakikimingle saming makukulit na pinoy, pero habang tumatagal, napapansin ko na nagiging kumportable na syang makipag usap samin, kahit na minsan eh tawa kami ng tawa at naguusap sa tagalog.. keme pa rin nya... kanina nagdala sya ng sushi... ay bet na bet ko naman syempre! home made daw un kaya naman tinikman ko na.. actually hindi pala tikim, nakikain na ako.. hahahahhahahah masarap naman ang sushi na kahit papano.. hahah parang pinagtyagaan lang eh noh.. kembot ka lanie nilamon mo na nga eh... hahahahha

dati pa man kasi natutuwa na ko pag kinakausap ko ung chinese na un. parang i feel something as Asian connection ba pag nakakakausap ako ng mga Asian. pero ibahin naman natin ang mga Indian o Bumbay na nakakasalamuha ko.. minsan hindi ako natutuwa sa kanila, natatawa lang kasi naaalala ko ung mga nagtitinda ng DVD sa bayan dati... hahahahaha pag nagsasalita naman sila feeling ko joke lang ang lahat.. hahahahahah.. nung nasa entry program pa kami ni pader dear, nakameet din ako ng chinese at natutuwa din ako sa kanila, ewan ko ba, siguro nga ung factor na galing kami sa iisang kontinente. iba kasi ang feeling ko pag nakikipagusap ako sa mga puti or ung ibang nasyon kahit di american o canadian. parang nakakatakot kasi sila. bukod sa malalaking peeps ung mga yun, dere-derecho sila magsalita, at minsan walang pakeme kung masasaktan ka or hindi. anyway, hindi pa naman nangyari saken un ah, parang nafifeel ko lang na ganun sila..

siguro pag pumasok na ako sa university mas maloloka na naman ako sa mga maiisip ko tungkol sa ibang nasyon...at sana bago ko to iniisip, maisip ko sana na sana maasikaso ko na lahat ng sa gayon eh makapasok na ko sa september.. hhhaaayyyyy 8 months pa lola, magbberdey pa ko at syempre may SG mania na namang sasapit.. yeeeeeheeeeeeeeee

0 comments: