Tuesday, March 24, 2009

spring rolls

may mga bagay na ginagawa mo kasi may dahilan, meron din naman wala naman talagang dahilan pero adik ka lang talaga kaya mo ginagawa...

may mga bagay na sinasabi mo kasi gusto mong sabihin, meron din naman na sinasabi mo pero ayaw mo naman talagang sabihin, nagpapakagaga ka lang talaga kaya mo sinasabi...

may mga bagay kang tinitingnan kasi gusto mong makita, meron din namang ayaw mong makita pero tinitingnan mo pa rin, magulo ka lang talaga, in denial ka pa...

may mga kaibigan kang kaibigan ka din sa kanila, pero may mga kaibigan kang hindi ka kaibigan sa kanila, may nagkokonek lang sa inyo kaya kaibigan ka nya, hindi sya pinyoko in short...

may mga kaibigan kang pinagdadaldalan mo kasi gusto mong dumaldal sa kanya, meron ka rin namang kaibigang dinadaldalan ka kasi gusto nyang dumaldal sayo...wala ka ng magagawa dun kundi makipagdaldalan sa kanya...

may mga kaibigan kang demanding kahit di halata, meron ka rin namang pagkademanding sa kaibigan mo na kahit di mo ipahalata eh, halata pa rin...kaya sorry ka nalang, di ka magaling makipagtaguan nung bata ka pa... behhh

me mga kapamilya kang pampam, kaya ikaw palagi ang napapam-paman, meron ka rin namang pagkapam-pam, kayalang ayaw mong amining pampam ka...o tamo ngumunguso ka na...behhh

me mga kapamilya kang macheeze, lahat ng bagay at tao chini-CHEEZE to the MAX, ayaw mo nun pero meron ka rin namang pagkacheeze..kaw talaga..loko mo ko.. ^_^

me mga kapamilya kang mabait sa mga tiger, pero kahit anung gawin mo, hindi ka makababa sa kulungan ng tiger sa manila zoo kasi ang lalim nung kulungan nila diba? dali punta ka manila zoo makikita mo dun...ung katapat ata nun ung bagong renovate na part ng manila zoo...ung me maliit na kabayong puti.. basta dun punta ka nalang... ^_^

may... may... may malaki ka ng eyebags ayaw mo pang matulog...

ti... ti... tinitighawat ka na puyat ka pa rin ng puyat...

tu... tu... tumataba ka na kain ka pa rin ng kain...

pa... pa... pagod ka na ayaw mo pa magpahinga...

in... in... in short pasaway ka talaga...

^_^ good night! ^_^

1 comments:

tinsters said...

ang weird nuh!...haha... miss you guys!!