Thursday, September 10, 2009

2nd timer freshman...

tskktskk.. eto na.. nagstart na kahapon ang pagiging 2nd timer freshman ko in college.. ayun, orientation..sangkatutak na english ang napala ko.. buti hindi dinugo ang ilong ko..^_^

very informative ang mga sessions..kayalang may kapasawayan na namang nangyari saken na hindi ko naman mapigilan... mahirap talaga pag antok na antok ka.. ^_^ u cant help it.. kaya naman todo iglip ako sa isang session... nakakahiya, nasa may unahan pa man din ako... myjuice! ^_^ sa sobrang gusto ng staff na magkaron ng malawak na idea ang mga students, hindi nila kami tinigilan ng sessions until 2pm.. so nagstart ng 9am-2pm wlang break, at lakad pa ng lakad.. so what do u expect.. syempre........GUTOM!!! T_T well, wala naman kaming magawa.. kaya gow nalang.. after 2pm meron pang mga optional sessions na pwedeng attendan ng mga students.. nagregister ako a week before the orientation kayalang dahil im starving to death na eh hindi ko na inattendan ang susunod ko dapat na sessions, instead, umuwiiiiiiiiiii na ako.. haru josko...

2nd day ng orientation... wala pa rin akong nakikitang kakilala ko.. da heck! sino nga ba naman ang makikita ko.. isipin ko mang magparisyon sila kwini, pola, lysa, kat, at iba ko pang tropa eh hindi naman sila magaaparisyon! ^_^ halusinasyon na ito.. medyo sinuwerte naman ng makita ko ung kasama ko sa mcdo.. aba at nakita din nya ko.. fairness strike 1 ako dun.. at at last, gumana na ung kadaldalan ko dahil may nadaldal akong puti.. medyo barubal nga lang ang usapan dahil bulol bulol na naman ako.. pero at least diba??!!! ay nakita ko din ang papable ni riang si richard.. pero di nya ko nakita.. keber! tuloy ang lakad papuntang bus stop at ako'y uuwi na.. ^_^

myjuice! ang schedule kong ginawa.. umiral ang ka-eng-engan.. medyo malayo layo lang naman ang pagitan ng unang bldg ng class ko sa susunod.. ung interval na 15min eh takbo ang gagawin ko makarating lang sa susunod kong class.. T___T bakit ganito ang tadhana! myjuice!!!! at pagkatapos kong tumakbo papunta sa 2nd class... ang 3rd class ko ay katabi naman ng unang bldg ng aking 1st class!!! ang saya saya!!! mauubusan ako ng lakas!!! T___T magiging ganap na green na yata ang dugo ko!!! T___T

kamusta naman ang campus? hmmmm sobrang nakakamangha ang campus ng UM... malaki at kumpleto... all in one ika-nga... medyo luma nga lang ung ibang building pero astigin.. dito lang ako nakakita ng school na may tunnel.. ^_^ hehe ideal para sa winter..ayos! sana lang mafigure out ko kung papano gamitin ang tunnel papunta sa mga classrooms ko... classrooms! ASTIG! para akong nasa session hall ng batasan sa bio class ko! LOL kuhaan ko ng pix pag nagkaron ng chance.. SANA! sa schedule kong 15 min lang ang interval ng clase.. T_T ... cafeteria.. infairness san ka man mapadpad may makakakainan ka.. eto pa, 3 ang Tim Hortons sa loob ng school plus may isang Starbucks at may dalawa pa akong nakitang cafe... aaaaaayyyyyoooosssss... at eto pa ang isang nakakagulat.. san ka nakakita ng school na may salon sa loob? ^_^ may for men, at may for women... meron ding tindahan ng eyeglasses..at syempre may bookstore.. na parang national bookstore na.. speaking of books, hindi lang isa ang library ng school.. at ung pinakamalaking library ay 3 floor ang sakop.. T_______T nakakalula pag dumaan sa aisle ng shelves.. parang iniisip kong magwikipedia nalang kung mahihilo naman ako sa kakahanap ng hinahanap ko... ^_^ pero may isang section dun sa third floor na bet na bet kong usisain.. ung archives... sabi nung guide namin, ung mga books daw dun ay almost 400 yrs old na.. at ang malimit lang na nakakaaccess ng lugar na un eh ung mga nagmamasters na.. eeeeeeee ^_^ hindi ko pa nalilibot ung sa west part ng campus dahil wala naman akong gagawin dun.. pero ang nakita ko sa map, may malaking stadium, at ung west part ay almost agriculture studies ang umooccupy.. hmmm

eeeeeeeeeee i wonder kung anu kakahinatnan ko bukas.. dahil ang bukas ay technically ang simula ng clase.. T____T kelangan ko ata ng bitamina ni kokey..T____T

wel... go go goooooooooow!

0 comments: